SBS Examines: Nakakaapekto ba ang cost of living sa 'social cohesion' o pagkakaisa?

A man, completely obscured in shadow looks away

People who say they are struggling financially are less likely to believe that ‘accepting migrants from many different countries has made Australia stronger’. Source: Getty / Jordan Lye

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

Ayon sa mga bagong pag-aaral, ang pinakamalaking alalahanin ng mga Australyano ngayon ay ang ekonomiya na nagdudulot ng pagkakahati ng lipunan.


Nagulat si Jon ng Queensland nang mapansin niyang nagbago ang kanyang pananaw sa imigrasyon at paglilipat ng tahanan dahil sa naranasan niyang pinansyal na paghihirap.

Sa kanyang panayam sa SBS Examines, ito ang kanyang sinabi:

“I grew up in (the) inner city, and was always around all the benefits of multiculturalism. I suppose that’s not how I feel now.”

Aniya, dahil sa pamumuhay sa isang rural na lugar, natuklasan niyang nakikipagkumpitensya siya para sa mga paupahan sa mga tao na ine-extend ang kanilang working holiday visas.

“If you don’t have the money to compete, you’re out of luck.”

Hindi nag-iisa si Jon sa ganitong sitwasyon.

Ayon sa social cohesion index ng Scanlon Institute, ang mga taong nahihirapan sa pinansyal na sitwasyon ay nakakuha ng mas mababang marka sa karamihan ng mga sukatan na sinusuri.

“They’re more likely to identify themselves as having a lower sense of belonging, a lower trust in government, they generally trust other people a little bit less, and often feel quite isolated from others," ayon kay CEO Anthea Hancocks.

“They also think that life in Australia isn’t going to get any better, and can feel migrant diversity probably doesn’t make Australia stronger.”

Ang community leader sa Northern Beaches ng Sydney na si Rachael Leah Jackson ay nagsusumikap na pag-isahin ang mga tao matapos makita ang lumalawak na agwat sa pagitan ng mga nakakaranas ng financial stress at ng mga may kaya sa buhay.

“There is a lot of poverty and there’s a lot of need and disconnection. People are lonely, and I know that loneliness,” sabi niya.

“At the end of the day, community is the strength of who we are, and so we have to stick together and help each other.”

Ang episode na ito ng SBS Examines ay inaalam kung nakakaapekto ba ang cost of living sa pagkakahiwa-hiwalay ng komunidad.
Listen to:

SBS Examines


Share