Key Points
- Ayon sa Job and Skills Australia, aabot sa 5,400 ang mga book author at book and script editor sa Australia kung saan 63 % dito ay kababaihan at 37% naman ang part time itong trabaho.
- Isang kwentista o storyteller si Anna Manuel sa Australia kaya naman naisip niya idokumento bilang children’s book ang pakikisalamuha sa mga bata.
- Bata pa lang ay mahilig na magsulat ang career coach na si Dr. Celia Torres-Villanueva pero nagkaroon ng iba’t ibang full-time job at nag-aaral pa kaya naisantabi hanggang sa magkaroon ng oras ngayon.
- Dumaan sa self-publishing sina Anna at Celia dahil mas madali ang proseso nito kumpara sa traditional publishing.
Sa panayam ng SBS Filipino, ibinahagi ng dalawang book author na sina Anna Manuel at Dr. Celia Torres-Villanueva na nais nilang ibahagi sa mga kapwa migrante sa Australia ang karera sa pagiging manunulat ng libro sa pamamagitan ng isang event na tinawag na Literary Career Transformation: Fireside Chat and Author Showcase.
Storyteller and book author Anna Manuel Credit: Anna Manuel
Celia Torres-Villanueva has been named one of the 5 finalists from 77 nominees for the Australian Professionals of Colour (APOC) Corporate Legend Award. Credit: Supplied
"Broaden and diversify your bookshelves," saad ni Dr. Villanueva.