'Nakakatuwa dahil ang haba ng pila': Mga kwentong tagumpay ng Filipino street food vendors sa Australia

Filipino-Australian Filipino street food business owners.jpg

[L-R] Filipino-Australian Regina and her husband, Chef James Meehan of Melbourne, established their Hoy Pinoy Filipino street food and barbecue business in 2013. Meanwhile, Mae and Richard Rodillas, owners of Wow Filipino Food, admitted that they were inspired by the Meehan couple, so they tried to establish their own business in Sydney in 2017. Now, the two Pinoy business owners are becoming popular in Australia.

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

Ayon sa mga Filipino street food business owners, hindi lang kita ang habol nila, gusto din nilang maipakilala ang pagkaing tatak Pinoy sa Australia, kaya ang inasal, barbecue, sisig at liempo ilang lang sa pagkaing pinipilahan sa mga market events sa Australia.


Key Points
  • Umaabot mula 300 hanggang 1,000 libong kilo ng karne ang inihahanda ng Hoy Pinoy business owners na Filipino Australian na si Regina Alcantara at asawa na si Chef James Meehan para sa kanilang sikat na barbecue at ibang Filipino street food sa bawat market events, inaasahan ding ipapakilala nila ang bagong putahe sa taong 2024.
  • Ang Wow Filipino food ng mag-asawang Mae at Richard Rodillas ay kasalukuyang nag-iisang Pinoy food stall sa Chinatown sa Burwood, Sydney at maliban sa barbecue, nagbebenta din sila ng sisig at liempo.
  • Mahigit 2.5 million o isa sa bawat sampung tao sa Australia ay nagnenegosyo base sa tala nitong 2023.
Higit isang dekada na sa food business ang Filipino-Australian na si Regina Alcantara-Meehan at asawa nitong Chef na si James, kaya halos nalibot na nila ang buong Australia, sa katunayan nakarating na ang kanilang negosyo sa New Zealand. Nagbibigay na din sila ng trabaho hindi lang sa mga Pilipino kahit ibang lahi. Inasahan ding sa taong 2024 ay ihahain sa publiko ang bagong putahe ng pamilya Meehan.
HOY PINOY FOOD BBQ.jpg
Ang barbecue ang isa sa maraming pagkain na tatak Pilipino na patok sa Australia. Credit: Hoy Pinoy/Facebook

HOY PINOY FOOD.jpg
Credit: Hoy Pinoy/Facebook
Regina Meehan's family.jpg
Regina Meehan's family working together for their food business. Credit: Regina Meehan

Higit limang taon sa food business ang pamilya ni Mae and Richard Rodillas at inamin nito nahikayat silang magnegosyo matapos nakita ang patok na negosyo ng pamilya ni Regina Meehan na may ari ng Hoy Pinoy. At ngayon, unti-unti na ding nakikilala sa industriya ang Wow Filipino food business ng mga Rodillas dito sa Sydney. Maliban sa barbecue, naghahain din sila ng ibang Pinoy food.

WOW FILIPINO FOOD.jpg
Credit: Wow Filipino Food /facebook

Mae Rodillas and kids.JPG
Mae Rodillas with her children of Wow Filipino Food in Burwood, Chinatown. Credit: SBS


Share