Key Points
- Naghahanda na ang Canberra para sa nalalapit na Enlighten Festival at Canberra day sa Marso
- Kabilang sa mga inaabangan ang Enlighten Illuminations kung saan iilawan ang mga gusali kasama ang Old Parliament House
- Lights! Canberra! Action ay isang film festival tampok ang mga film maker na taga Canberra
Sa ibnag balita, patuloy ang kampanya ni Philippine Ambassador to Australya Ma Hellen B De la Vega na paigtingin ang ugnayan ng Pilipinas sa Australya at mga bansa sa Pacific region.
Nakipagpulong kamakailan si De la Vega kay Australian Deputy prime minister at Ministro ng Defence Richard Marles. TInalakay ng dalawa ang usapin kaugnay ng regional security ng Pilipinas at Australya at pinagtibayna ugnayang defence at security cooperation.
Pinasalamatan naman ni Nauru Deputy Prime Minister for Foreign Affairs and Trade Asterio Appi ang mga Pilipino para sa kanilang mga kontribusyon sa komunidad at ekonomiya ng maliit na Pacific nation. Pinagusapan nila De la Vega at Appi ang pagpapayabong ng bilateral relations ng dalawang bansa na nagdiwang ng 55 years of diplomatic relation noong ika-19 ng Pebrero.