Cooking Up Love: Pinoy Chef couple, parehong nanalo sa World Food Championships Australia

photo-collage.png.png

Filipino Chef couple Chef Mark Nacua and Chef Princess Anne Uy turn their dreams into World Food Championship victory. Credit: Chef Mark Nacua

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

Nabuo ang pag-iibigan ng mag-asawang Chef Marc Nacua at Chef Princess Anne Uy dahil sa usapang pagkain.


Key Points
  • Bata pa lang ang mag-asawang Chef Marc Nacua at Chef Princess Anne Uy, pagiging Chef na ang kanilang naging pangarap.
  • Year 10 si Chef Marc nang lumipat ang pamilya nito sa Australia habang kinuha niya si Chef Princess sa partner visa.
  • Matapos ang high school ay napasok si Chef Marc sa Crown sa Melbourne at dito ginawa ang Apprenticeship habang si Chef Princess ay kumuha ng Hotel and Restaurant Management sa Pilipinas at napasok sa kitchen noong magsimulang magtrabaho.
Parehong nanalo sa World Food Championship ang mag-asawa kung saan naiuwi ni Chef Princess ang BBQ Category noong nakaraang taon habang ngayong taon naman si Chef Marc sa Dessert Category.
Kamakailan ay nagsagawa si Chef Princess ng one night charity dinner na pinamagatang Taste of the Champions upang ipagdiwang ang tagumpay at ipamalas ang galing sa Filipino community sa Melbourne.
photo-collage.png (2).png
Chef Princess Anne Uy hosted a one-night charity dinner titled "Taste of the Champions" to celebrate their success and showcase Filipino culinary excellence in Melbourne. Credit: Angelito Valdez Jr Photography

Share