Key Points
- Buong Pilipinas, inaalala ang ika-50 taon mula nang ideklara ang Martial Law.
- Ayon sa Amnesty International, humigit-kumulang 70,000 katao ang nabilanggo, 34,000 ang pinahirapan, at 3,240 ang napatay sa panahong ito.
- May mga aral mula sa nakaraan na magagamit ng bagong mga henerasyon.
LISTEN TO
A series of events and protests are being held today to commemorate the 50th anniversary of the declaration of martial law in the Philippines.
09:19
Setyember 21, 1972 nang pinirmahan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Proclamation No. 1081 kung saan inilalagay ang Pilipinas sa ilalim ng batas militar, na tumagal mula 1972 hanggang 1981.
Sa panahong ito, sinupil ang kalayaan sa pagsasalita at maraming karapatang pantao ang nalabag. Ayon sa Amnesty International, humigit-kumulang 70,000 katao ang nabilanggo, 34,000 ang pinahirapan, at 3,240 ang napatay sa panahong ito. Ilang bilanggong pulitikal, na tinawag rin bilang 'desaparecidos', ang hindi pa rin nahahanap hanggang ngayon.
Para sa ilang nakaligtas at nasaksihan ang paghihigpit sa loob ng 14 na taon na ipinatupad ang batas militar sa bansa, hindi kailanman dapat na malimutan ang panahong ito kung saan marami anila ang nakaranas ng pagmamalupit at paghihigpit.
Si Bonifacio Ilagan ay isang survivor ng Martial Law. Nagsimula bilang aktibista ng nagaaral pa lamang, nabilanggo ng ilang taon sa pagkikipaglaban para sa malayang Pilipinas. Ang kapatid niyang si Rizalina ay nawala noong rehimeng Marcos at hanggang ngayon ay 'di pa natatagpuan.
Ibinahagi ni Ilagan ang sa tingin niya'y mahahalagang aral mula sa nakaraan na hindi natin dapat malimutan ng kasalakuyang henerasyon at nawa'y maging gabay para sa ating kinabukasan.
How to listen to this podcast. Credit: SBS Filipino