KEY POINTS
- Ang EDM, na karaniwang tinutukoy bilang club music, ay isang genre ng musika na nilikha sa pamamagitan ng digital at electronic production, na layuning magbigay buhay sa environment ng lugar.
- Si Vinci Andanar, na kilala sa kanyang stage name na Juno Mamba, ay isang producer at DJ na may malalim na dedikasyon sa kanyang lugar na kinalakihan, ang Ballarat. Nakatakda niyang ilunsad ang EP na "Cold Rush”. Isa sa mga kapansin-pansin na kanta mula sa proyektong ito ay ang "G2G," na tampok ang boses ni Mayari.
- Si Ali Adriano, na nagtatanghal sa pangalang Mayari, ay isang artist at producer na gumagawa ng electronic music. Ang kanyang mga gawa ay naglalayong ikonekta ang mga tagapakinig sa espiritu at kultural na diwa ng Pilipinas.
PAKINGGAN ANG PODCAST
Mga Filipino artists na humuhubog sa electronic music scene ng Australia
SBS Filipino
25/07/202437:55
Tampok ng Tugtugan at Kwentuhan ang kwento ng mga Pilipno na gumagawa ng sariling marka sa industriya ng musika at sining.