Key Points
- Anak ni Apo Rudy ang taga-Victoria na si Karen Mangio-Liwanag.
- Si Apo Rudy ang nag-imbento ng parol flashers.
- Hanggang ngayon, ramdam ng pamilya Mangio ang galing ni Apo Rudy sa bawat parol na nakasabit tuwing Pasko.
* Ang podcast na ito ay bahagi ng aming serye na 'Pamana'. Pamana, mga wika, kultura at tradisyong ipinamamana sa susunod na saling lahi. Mga yaman na kailanman, ay di matutumbasan.
Emosyonal na ikinuwento ni Karen Mangio Liwanag mula Victoria kung gaano nila ipinagmamalaki ang nagawang kontribusyon ng namayapa nilang amang si Apo Rudy Mangio sa kultura’t tradisyon ng mga Pilipino ngayong panahon ng Pasko.
Si Apo Rudy ang naka-imbento ng flashers at sequencers na siyang dahilan upang nakikitang kumukutikutitap at tila sumasayaw sa indak ng mga tugtog ang mga parol sa San Fernando, Pampanga mula pa noong taong 1990’s.