May Higher Education Loan Program para sa mga estudyante sa Australia. Alamin ang proseso at kwalipikasyon

Are you eligible for the Higher Education Loan Program?

Are you eligible for the Higher Education Loan Program? Credit: E+

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

Tinatayang nasa tatlong milyong Australyano na mayroong government loan sa pamamagitan ng Higher Education Loan Program, o HELP scheme. Kung ikaw ay mag-enrol sa kolehiyo o uni, maaari ka ring maging eligible na i-defer ang pagbabayad ng iyong mga bayarin sa kurso hanggang sa makahanap ka ng trabaho.


Key Points
  • Ang HELP loan ay nagpapaliban ng iyong mga bayarin sa kinukuhang kurso para sa kolehiyo o uni hanggang sa makahanap ka ng trabaho.
  • Hindi ka magsisimulang magbayad ng iyong loan hanggang ang iyong kita ay umabot sa $51,550 bawat taon.
  • Upang maging kwalipikado, dapat kang isang Australian citizen o may tiyak na visa o permanent resident.
  • Ang mga hindi nabayarang Help loan ay lumalaki ayon sa Consumer Price Index.
Kapag nag-desisyon kang mag-aral ng higher education sa Australia, ibig sabihin tutuloy ka sa kolehiyo, vocational course, unibersidad o uni kailangan mong mag-set ng mga kasunduan sa pagbabayad para sa iyong mga kurso.

Bagaman may ilang mag-aaral na kayang magbayad ng buo ng kanilang mga bayarin sa kurso o upfront upang maiwasan ang utang, ngunit ang karamihan ng estudyante ay mag-apply ng government loan para mabayran ang buong tuition.

Ang programang government loan na ito ay tinatawag na Higher Education Loan Program, o HELP.

May limang scheme sa HELP, pinaka-karaniwan ang HECS-HELP at FEE-HELP.

Ayon kay Renee Hindmarsh ang Acting Chief Executive ng Universities Australia.
Kung ikaw ay eligible para sa isang HECS-HELP o FEE-HELP loan, ang proseso ng aplikasyon ay simple at madali.

Kailangan mo lamang mag-apply isang beses sa isang buong kurso.

“Eligible students will be required to submit a Request for HECS-HELP form, which is provided by their university. And within this form they'll need things like a Tax File Number or confirmation of an application for a TFN, as well as their unique student identifier.”

Para sa karagdagang impormasyon para sa government assistance pambayad sa pag-aaral para sa uni o kolehiyo, bisitahin ang .


Share